2 Japanese na nawala sa Palawan, tsinap-chop at itinapon sa dagat
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 Japanese na nawala sa Palawan, tsinap-chop at itinapon sa dagat
Diana Lat,
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2017 04:25 PM PHT

PALAWAN - Inilarawan ng 2 bangkero Lunes kung paano pinaslang ng ilang indibidwal ang 2 Japanese nationals na unang ibinalitang nawawala sa bayan ng Coron.

Kuwento ng mga bangkero, binayaran sila para dalhin ang mga biktimang sina Itani Masaru, 59, at Arai Yoshihiro, 24, sa Isla Galoc sa Culion nitong nakaraang Martes, Mayo 30.

Dito anila binaril ang mga biktima ng mga suspek na sina Sonny "Tatan" Anicete, Jovis Viscarra, alyas Jun, at alyas Baldo.

Habang nasa likod naman daw ng pagpapatay ang kasamahan ng mga biktima na si Hiroyuki Nagahama, 65, katuwang nito ang interpreter na si Reynante Labampa, 47.

Sunod umanong nakita ng mga bangkero na putol na ang mga braso at kamay ng mga biktima.

Kinalaunan, muli anilang isinakay ang mga bangkay sa isa sa mga bangka.

Habang nasa laot ay tinaga at pinira-piraso umano ng mga suspek ang mga biktima saka itinapon ang mga ito sa dagat.

Nahuli ng mga awtoridad sina Nagahama at Labampa sa tulong ng salaysay ng mga bangkero habang pinaghahanap pa ang apat pang mga suspek.
Tinitingnan ng mga pulis na motibo sa krimen ang umano'y kagustuhan ng mga suspek na makuha ang insurance money ng mga biktima.

Itinanggi ni Hiroyuki ang paratang nang iharap sila ng mga awtoridad sa media, Lunes. Ngunit itinuturo naman itong utak sa pagpatay ni Labampa.

Gayunman, nasampahan na ng 2 counts ng murder ang mga suspek.

Tiniyak din ni Palawan Governor Jose Chavez Alvarez na ligtas ang Palawan para sa mga residente at dayuhan.

Aniya, "Huwag naman madala ang mga Hapon dito dahil safe naman ang Palawan."

Patuloy namang pinaghahanap ang mga labi ng mga biktima at ang bangkang pinagsakyan ng mga ito.