Lola patay sa sunog sa residential area sa Mandaluyong

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lola patay sa sunog sa residential area sa Mandaluyong

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 06, 2020 08:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA (2ND UPDATE) - Patay ang isang senior citizen sa sunog na naganap sa Addition Hills, Mandaluyong City pasado alas-3 ng madaling araw Sabado.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, nasawi ang isang 69 anyos na babae nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa bahagi ng UBAC Compound at Correctional Road, Mandaluyong City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa may Nueve de Febrero Street.

Mabilis na kumalat ang sunog hanggang sa nadamay na rin ang mga bahay sa may Correctional Road na sakop ng katabing Barangay Addition Hills.

ADVERTISEMENT

Mahigit 30 minuto lamang ay umabot na sa ikalimang alarma ang sunog.

Malapit ang sunog sa Department of Social Welfare and Development - Jose Fabella Center na tinutuluyan ng mga homeless na nasasagip ng ahensiya.

Dahil dikit-dikit ang mga bahay na karaniwan ay gawa sa mga light materials, lalo pang lumaki ang sunog kaya't idineklara ang task force bravo bandang 3:51 ng madaling araw.

Nahirapan din ang mga bombero na pasukin ang mga eskinita dahil na rin sa kitid ng mga ito.

Hindi na nasunod ang physical distancing sa kasagsagan ng paglikas ng mga residente at pagmamatyag ng iba pang nasa lugar.

ADVERTISEMENT

Idineklara ang fire out sa lugar bandang 5:40 ng umaga.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Pansamantala munang binuksan ang Nueve de Febrero Elementary School bilang tuluyan ng mga nasunugan.

Sa tala ng BFP, nasa 200 bahay ang natupok at nawalan ng tirahan ang nasa 350 na pamilya. Aabot sa P500,000 naman ang tinatayang halaga ng natupok na ari-arian.

Nitong Lunes lang ay nasunog din ang nasa 800 bahay sa Block 37, Barangay Addition Hills sa lungsod. Umabot sa general alarm ang sunog na naapektuhan ang tinatayang 1,000 pamilya.

-- May ulat nina Fred Cipres, Dexter Ganibe, Henry Atuelan at Bryan Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.