Call center sa Clark na sangkot umano sa scam, ni-raid
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Call center sa Clark na sangkot umano sa scam, ni-raid
ABS-CBN News
Published Jun 07, 2018 07:33 AM PHT
|
Updated Jun 07, 2018 09:14 PM PHT

PAMPANGA - Nilusob ng mga operatiba ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police Miyerkoles ng umaga ang isang call center company sa Clark na umano'y sangkot sa scam.

Nasa 500 empleyado ng kompanya ang kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Sa bisa ng search warrant, 3 opisina ng kompanya ang pinasok ng pulisya dahil sa reklamong estafa.

Batay sa paunang ulat, mga foreigner umano ang sinasabing nasa likod ng operasyon na 2 taon nang nasa Clark.
Batay sa paunang ulat, mga foreigner umano ang sinasabing nasa likod ng operasyon na 2 taon nang nasa Clark.
ADVERTISEMENT
Naka-cordon pa rin ang gusali habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. Kinumpiska rin ng pulisya ang mga computer ng kompanya.

Nakatakda namang dalhin ang ilang foreigner at daan-daang empleyado sa Camp Crame ngayong Huwebes.

Ilang pamilya naman ng mga empleyado ang pumunta sa lugar upang alamin kung ano ang nangyari.

"Nagtatanong kami kung ano ang problema, hindi nila alam," ani ng isang ama.

"Ayon sa anak ko, sila daw nag-eendorso ng mga produkto through phone." - ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
estafa
syndicated estafa
raid
NBI
rehiyon
Pampanga
online stock investment scheme
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT