Ilegal na sabungan sa Agusan del Norte, ni-raid

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilegal na sabungan sa Agusan del Norte, ni-raid

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 08, 2018 07:38 AM PHT

Clipboard

BUENAVISTA, Agusan Del Norte - Nilusob ng mga awtoridad ang isang ilegal na sabungan sa Buenavista, Agusan del Norte Huwebes ng hapon.

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Caraga ang ilang manok na panabong.

Agad namang nagtakbuhan ang mga sabungero sa lugar.

Isinagawa ang raid matapos may magreklamo ukol sa ilegal na sabungan.

ADVERTISEMENT

Giit naman ng may-ari na si Elmer Prajes, ginawa lang nila ito dahil malapit na ang kanilang pista. Alam din niya na walang itong pahintulot mula kay mayor.

Target din ng CIDG sa raid ang mga pulis, sundalo, at kawani ng gobyerno na tumataya sa sabong.

Ito kasi ang direktiba ng pangulo na bawal na sila sa pasugalan, ayon sa CIDG.

Dinala naman ng CIDG si Prajes at ang mga kasamahan niya para isailalim sa interogasyon. - ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.