77 pasahero stranded sa Legazpi Port

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

77 pasahero stranded sa Legazpi Port

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Umabot sa 77 pasahero ang stranded ngayon sa Legazpi Port sa Albay dahil sa masamang panahon.

Hindi pinahintulutan ng Philippine Coast Guard na maglayag ang dalawang sasakyang pandagat sa Albay dahil sa lubhang peligro dala ng malalakas na alon.

Isang vessel at dalawang bangkang de motor naman sa Rapu-Rapu Port sa Albay rin ang hindi pinayagang maglayag subalit wala namang stranded na pasahero.

Kahit walang Tropical Cyclone Warning Signal sa isang lugar, may awtoridad ang pinuno ng Coast Guard Station na magkansela ng biyahe lalo kung malalakas ang alon sa panggagalingang pantalan at maging sa pupuntahan.

ADVERTISEMENT

Nauna nang naglabas ng babala ang PAGASA na huwag munang maglalayag sa eastern seaboard ng Luzon at Visayas at sa western seaboard ng gitna at timog Luzon.

Ito'y dahil sa umiiral na habagat na pinalakas pa ng bagyong "Domeng" na nasa silangang bahagi ng Batanes at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility sa Linggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.