Mga pamilyang nasunugan sa Muntinlupa dinalhan ng pagkain
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pamilyang nasunugan sa Muntinlupa dinalhan ng pagkain
ABS-CBN News
Published Jun 09, 2021 08:35 PM PHT

Sa modular tent ng isang basketball court inabutan ng panganganak si Maricho Magistrado, isa sa mga nasunugan sa Barangay Cupang, Muntinlupa City kamakailan.

Matindi ang init sa evacuation center kaya pilit gumagawa ni Magistrado ng paraan para mapreskuhan ang kaniyang sanggol.

"Hindi ko na po kinaya na isugod sa ospital kasi lalabas na 'yong baby," kuwento ni Magistrado.

Natupok din ang bahay ni Jennilyn Venus, na namomroblema ngayon kung paano muling magkakaroon ng tirahan.
Natupok din ang bahay ni Jennilyn Venus, na namomroblema ngayon kung paano muling magkakaroon ng tirahan.
ADVERTISEMENT
Hindi naman makapagtrabho ang kaniyang mister na senior citizen dahil sa COVID-19 pandemic.

"Ang pinagkakakitaan lang namin basahan. Sa ngayon hindi kami makagawa dahil andito kami, hindi kami makapaghanapbuhay," ani Venus.

Sa kalapit na eskinita naman nagtitiis si Analisa Vargas na sumisilong sa natirang pader at kapirasong bubong ng kanilang nasunog na bahay.

"Noong nagsabi na may evacuation, naubusan na kami ng tent, marami nang nagpunta doon... Kaya dito na lang kami nagkubo-kubo pansamantala," ani Vargas.

Kahit papaano'y may mapagsasaluhan ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Cupang sa lutong pagkaing dala ng ABS-CBN.

Patuloy pa ring nananawagan ang mga pamilya ng tulong para sa pagbuo muli ng kanilang mga tirahan.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
public service
Pantawid ng Pag-ibig
Lingkod Kapamilya
sunog
Barangay Cupang
Muntinlupa
ayuda
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT