Lalaki umamin sa 'chop-chop' ng kinakasama sa Antipolo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki umamin sa 'chop-chop' ng kinakasama sa Antipolo

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

Clipboard

 Kuha ni Champ de Lunas, ABS-CBN News
Kuha ni Champ de Lunas, ABS-CBN News

MANILA — Hawak na ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Antipolo City matapos itong umamin na siya ang nasa likod ng pagpaslang ng kanyang live-in partner na nakitang putol-putol na ang bangkay nitong Biyernes.

Unang itinurong primary person of interest ang naturang lalaki dahil siya ang pinakahuling nakasama ng biktima noong Miyerkules, dalawang araw bago ito matagpuang patay.

Ayon sa hepe ng Antipolo City PNP na si P/Lt. Col. June Abrazaldo, unang sinabi ng suspek na iniwan daw niya ang ka-live-in sa Cogeo Avenue pero hindi raw niya ito napatunayan. Kalaunan ay umamin siya sa pagpaslang sa biktima.

Dagdag pa ni Abrazaldo, umamin na lang ang suspek dahil binabagabag na raw ito ng kanyang konsensya.

ADVERTISEMENT

"Iyong lagi niya lang sinasabi kung bakit niya chinop-chop ay dahil hindi daw tumitigil sa pagdodroga," aniya.

“Konsensiya na po talaga lalo na po na 'di kaya ng dibdib ko,” ayon naman sa suspek.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, hinampas umano ng suspek sa ulo ang biktima bago pinutol-putol ang katawan nito para mailabas sa kanilang bahay.

Magkahiwalay na itinapon ng suspek ang pira-pirasong bahagi ng bangkay ng biktima sa Barangay Dela Paz at Barangay Boso-Boso.

Nakakulong na ngayon sa Police Community Precinct Substation 2 ng Antipolo City ang suspek habang pinoproseso ang kasong murder na isasampa laban sa kanya.

"Dahil sa pag-amin ng suspek sa harap ng maraming witnesses kasama na po diyan 'yung kanyang pamilya, at kanyang nilahad in detail na wala na po siyang itatago, ay considered pong case closed itong kaso," dagdag pa ni Abrazaldo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.