DepEd learning module na may maselang salita pinuna
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DepEd learning module na may maselang salita pinuna
ABS-CBN News
Published Jun 14, 2021 06:21 PM PHT

Pinuna ngayong Lunes ng mga miyembro ng Kamara ang isang learning module ng Department of Education na gumamit ng salita tungkol sa pagtatalik sa pagtuturo tungkol sa aswang.

Sa learning module na ipinakita ng educator na si Antonio Calpijo Go sa House hearing, inilarawan ang aswang bilang "isang diyos pero pinaniniwalaan na ito'y tao na kumakain ng kapwa tao. Pinapaniwalaan din na may pakpak ang mga ito at sila raw ay gising kung gabi para maghanap ng makak*nt*t o maaaswang."

Ayon kay Go, inilapit sa kaniya ang module ng mga magulang mula Pampanga.

Hindi raw ginagamit kahit ng mga tabloid ang salitang ito sa leksiyon.
Hindi raw ginagamit kahit ng mga tabloid ang salitang ito sa leksiyon.
ADVERTISEMENT
"The module itself contains a word na hindi ko pa nakikita anywhere, kahit sa Tiktik," ani Go.
"Sino po nag-develop nitong learning material na ito? At sino ang nagre-review bago po ito nilabas kasi napaka-glaring po ng error. 'Di lang siya error na nagkamali ng spelling o may issue sa editorial preference," sabi naman ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun.

Ayon naman sa mga opisyal ng DepEd, naglabas na sila ng errata o pagtatama kaugnay sa module.

Papanagutin rin daw ang nasa likod ng module.

"Talaga pong 'di katanggap-tanggap itong materyal na ito," ani Education Undersecretary Tonisito Umali.

Ayon sa DepEd, tinitingnan na nila ang lahat ng anggulo sa isyu ng paggawa ng mga module.
Ayon sa DepEd, tinitingnan na nila ang lahat ng anggulo sa isyu ng paggawa ng mga module.
ADVERTISEMENT
Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ang DepEd dahil sa mga maselang salita na nakita sa module.

Noong nakaraang taon, nag-viral sa social media ang larawan ng module na may mga malisyosong pangalan. Kalauna'y natuklasan na ang module ay gawa pala ng isang pribadong paaralan sa Zambales.

Isa ang learning module sa mga mekanismo para matuto ang mga estudyante sa ilalim ng distance learning ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Bukod sa modules, nag-aaral din ang mga bata sa pamamagitan ng online classes, telebisyon at radyo.

Noong Oktubre, naglunsad ang DepEd ng mga account kung saan maaaring idulog ng publiko ang mga nakitang error sa kanilang learning materials.

-- Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Kamara
House hearing
Department of Education
DepEd
DepEd module error
module error
learning module
distance learning
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT