Kasapi ng BIFF patay sa operasyon sa Cotabato

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kasapi ng BIFF patay sa operasyon sa Cotabato

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 16, 2020 10:31 PM PHT

Clipboard

Patay ang isang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa inilunsad na operasyon ng militar sa Barangay Lumupog, bayan ng Midsayap, Cotabato.

Naglunsad ng operasyon ang 34th Infantry Battalion noong Biyernes, Hunyo 12, kontra BIFF kung saan namataan si Commander Ob-10 ng Bungos faction sa isang ilog sa boundary ng Datu Piang at Lumupog, Midsayap.

Sangkot umano sa mga pambobomba sa Central Mindanao si Commander Ob-10.

Dito na nagkaengkuwentro ang dalawang panig hanggang sa tamaan ng bala ang mga armado na sakay ng isang bangka. Sa clearing operations, narekober sa bangka ang bangkay ng isang kasapi ng BIFF, bukod sa mga matataas na kalibre ng armas.

ADVERTISEMENT

Inaalam din kung nasawi sa operasyon si Commander Ob-10.

Ilang oras pagkatapos ng operasyon, nahuli naman sa checkpoint sa boundary ng Olandang, Midsayap at Datu Piang, Maguindanao ang isang sugatang lalaki na sakay ng isang ambulansiya.

Napag-alaman na residente ito ng Barangay Dado, Datu Piang na kasama sa mga nakasagupa ng militar dahil may tama ito ng bala sa dibdib.

Pero dahil sa kondisyon ng lalaki, dinala kaagad ito sa ospital para mabigyan ng agarang lunas.

Ayon sa BIFF Bungos faction, wala silang impormasyon kaugnay sa operasyon ng militar laban kay Commander Ob-10.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.