Philippine eagle nasagip sa Cotabato
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Philippine eagle nasagip sa Cotabato
ABS-CBN News
Published Jun 16, 2020 04:15 PM PHT

Nasagip ang isang young adult na Philippine eagle ng ilang concerned citizens sa Makilala, Cotabato, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Soccsksargen nitong Lunes.

Sa Facebook post ng ahensiya, sinabi na unang nakita nina Jeofrey Rodica, Artemio Hemilio at Joel Arombo ang ibon noong Hunyo 8 na tila nakikipag-away sa may 20 uwak sa Purok 3A, Barangay Kisante.

Matapos itong maligtas, agad na itinurn-over ng tatlo ang ibon sa mga awtoridad.

Sinabi ng ahensya na ayon kay Dr. Bayani Vandenbroeck ng Philippine Eagle Foundation, Inc., babae ang kasarian ng nasagip na eagle, may bigat na 5.8 kilos, at tinatantiyang 3 taong gulang na.

"According to reports, the eagle is generally healthy and not showing any forms of stress," ayon sa ahensiya.

"The eagle is now under the care of PEFI (in Davao City) after it was turned over by the DENR."

Critically endangered na ang mga Philippine eagle na siyang pambansang ibon ng Pilipinas.

Ayon sa January-March 2020 newsletter ng foundation, 31 Philippine eagles ang nasa inventory ng Philippine Eagle Center. Dati namang nasabi na hindi lalampas sa 400 ang wild population ng mga ito bunsod ng hunting at kabawasan ng forest habitat nila.