Sara Duterte inaming pinag-iisipan na ang pagtakbo sa pagkapangulo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sara Duterte inaming pinag-iisipan na ang pagtakbo sa pagkapangulo

Sara Duterte inaming pinag-iisipan na ang pagtakbo sa pagkapangulo

RG Cruz,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sa isang bagong panayam, isa-isang sinagot ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang iba't ibang katanungan ukol sa pulitika, partikular na ang plano niya sa 2022.

Una, tinuldukan ni Duterte-Carpio ang isinusulong na Duterte-Duterte tandem sa 2022 kung saan siya ang tatakbong pangulo at amang si Rodrigo Duterte ang magbibise presidente matapos ang termino nito sa Palasyo.

"It will never happen that merong Duterte-Dutere and then sinabi naman na ni PRD kung ano yung mga reasons niya kung bakit ayaw niya ako tumakbong president," anang alkalde.

Ni wala pa nga daw siyang pinal na desisyon kung tatakbo siyang pangulo.

ADVERTISEMENT

Pero kung dati, sinabi niyang ayaw niyang magpresidente ngayong halalan 2022 kahit namamayagpag sa mga survey, ngayon aminado ang mayora na pinag-iisipan na niya ito.

"Pinag-iisipan, kasi a lot of people are asking me to reconsider my decision not to run for president and a lot of people are demanding to talk to me about it... Binigyan ako ng HNP (Hugpong ng Pagbabago) governors until July to decide," aniya.

Sinagot naman ni Duterte-Carpio ang naghihinalang scripted ang kaniyang mga pahayag at matutulad lang siya sa ama na tumakbo bilang pangulo sa huling sandali.

"Walang script. Ngayon is pinag-iisipang maigi yung desisyon dahil hindi siya madaling trabaho na gawin."

Sa Oktubre pa ang paghahain ng kandidatura sa halalan 2022 kaya doon pa lang liliwanag ang mga plano ng mga pulitiko sa halalan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.