3 e-sabong operator timbog sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 e-sabong operator timbog sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila
Andrea Taguines,
ABS-CBN News
Published Jun 18, 2023 04:47 PM PHT

Arestado ang umano'y tatlong e-sabong operator sa magkahiwalay na anti-illegal gambling operations sa Tondo, Maynila noong Sabado ng gabi.

Hinuli ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office-Regional Special Operations Group (NCRPO-RSOG) ang mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa Parola Compound, kung saan pinaniniwalaang talamak ang e-sabong.

Una umanong ni-raid ang pasugalan ng 2 babae bandang alas-6 ng gabi, kung saan nakumpiska ang halos P7,000 taya at nahuli ang isang bettor.

Ni-recruit umano ng kakilalang pulis ang mga suspek.
Ni-recruit umano ng kakilalang pulis ang mga suspek.
ADVERTISEMENT
"Base sa alegasyon nila... pulis 'yong kumakausap sa kanila. Aalamin namin, kukunin namin 'yong details. I-background check namin kung gaano ka-totoo," ani Maj. Nazareno Emia, officer-in-charge ng NCRPO-RSOG.

Nakikipag-ugnayan na rin ang NCRPO-RSOG sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group para ma-take down ang website na ginagamit sa e-sabong.

Pasado alas-6 ng gabi din nang mahuli ang isang lalaking operator at isang mananaya sa hiwalay na lugar sa Parola.

Higit P5,000 naman ang nasamsam na taya sa operator.

Ayon sa suspek, gipit lang siya kaya tinanggap ang trabaho kahit alam niyang ilegal ito.

Isinailalim na sa inquest ang mga suspek nitong umaga ng Linggo. Mahaharap sila sa paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Anti-Illegal Gambling Law kaugnay na rin ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT