'Pagiging adik sa laro, bunga ng kakulangan sa human connection'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Pagiging adik sa laro, bunga ng kakulangan sa human connection'
ABS-CBN News
Published Jun 21, 2018 11:52 PM PHT

Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng adiksiyon ang isang tao ay dahil sa kakulangan sa "human connection" o pakikipag-ugnayan sa ibang tao, ayon sa isang eksperto.

Ayon sa neuropsychologist at addiction specialist na si Danilo Tuazon, ang kakulangan sa pakikitungo sa ibang tao ay nagreresulta sa pagbaba ng lebel ng dopamine, isang kemikal sa utak na nakaaapekto sa emosyon.

"Kulang ka sa interaction with your family, you look for belongingness. Dahil dito, you look for activities which will produce more dopamine," ani Tuazon.

Isa umano sa mga uri ng adiksiyong maaaring harapin ng isang tao ay ang labis na pagkahumaling sa paglalaro o gaming addiction, na kamakailan ay kinilala ng World Health Organization (WHO) bilang mental health disorder.

Sa ilalim ng International Classification of Diseases (ICD) ng WHO, sinasabing may gaming addiction ang isang tao kapag paglalaro na lang ang inaatupag niya kaysa sa pang-araw-araw na gawain.

Ayon kay Tuazon, kapag humantong na sa ganitong kondisyon ay dapat kumonsulta na sa espesyalista gaya ng mga psychologist at psychiatrist.

"'Pag tinanggal sa iyo, mayroon nang withdrawal symptoms," ani Tuazon.

"Magandang ma-classify ito as mental disorder para mailagay siya sa tamang category, upang iyong treatment ay nababagay," aniya.

Ipinapayo ni Tuazon sa mga magulang na samahang maglaro ang kanilang mga anak at huwag gawing pambaling sa atensiyon ng mga anak ang mga gadget upang sila ay malibang.

Hindi malilimutan ng 23 anyos na si Emsi San Diego ang kaniyang labis na pagkahumaling noon sa computer games.

"Parang sa computer shop na ako nakatira," ani San Diego.

Kuwento pa niya, umabot pa sa puntong napabayaan niya ang kaniyang kalusugan dahil sa paglalaro.

"Nagka-ulcer ako noon. Kapag nagkasakit ka, 'di ka naman maalagaan ng laro mo," aniya.

Pero kalaunan ay nagpakatino siya at nakapagtapos pa ng kolehiyo.
Pero kalaunan ay nagpakatino siya at nakapagtapos pa ng kolehiyo.
ADVERTISEMENT
Binigyang pansin din ni San Diego ang kaniyang pamilya, na tama raw ayon kay Tuazon dahil nakapagbigay ito ng human connection.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
gaming addiction
kalusugan
mental health
mental health disorder
International Classification of Diseases
World Health Organization
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT