Halos P1 milyon ninakaw sa tindahan sa Benguet; 4 arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos P1 milyon ninakaw sa tindahan sa Benguet; 4 arestado

Micaella Ilao,

ABS-CBN

Clipboard

LA TRINIDAD, Benguet - Arestado ang apat na lalaki matapos pagnakawan ang isang grocery store ala-1 ng madaling araw Sabado.

Ninakaw nila ang nasa halos P1 milyong halaga ng pera na nakalagay sa isang cabinet.

Kuwento ng guwardiya ng establisimiyento, tinakot siya ng mga kawatan, ipinosas ang mga kamay, tinakpan ng bonnet ang ulo at pinadapa.

"Sabi sa akin, 'wag daw po akong maingay kundi bubutasan daw po 'yung ulo ko. Tinanong pa nila kung may pamilya ako," ayon sa guwardiya na tumangging magpakilala.

ADVERTISEMENT

Pagkatapos takutin ang guwardiya, saka binuksan ng mga kawatan ang grocery store. Sinira ang padlock nito, saka pinatayo ang guwardiya at pinapasok sa loob.

"Narinig ko na lang na sabi nila nabuksan na. Tapos tinayo nila ako tapos pinasok ako sa loob," ayon sa guwardiya.

May residente umano na nakapansin sa mga kawatan kaya nakapagsumbong sa pulis.

Agad na narespondehan ang insidente.

"Nahirapan kami na habulin sila kasi pinadlock nila noong dumating kami eh. Tapos doon na kami sa loob naghabulan," ayon kay Chief Insp. Benson Macli-ing, station commander ng La Trinidad Municipal Police Station.

ADVERTISEMENT

Higit 20 pulis ang kanilang ipinakalat sa lugar kaya nahuli ang mga suspek.

Bukod sa pera, nakumpiska rin sa mga ito ang dalawang baril, isang hand grenade, bolt cutter at metal crowbar.

Ayon sa mga pulis, matagal na umanong nagnanakaw ang grupo sa ilang bahagi ng hilagang Luzon.

Nasa kustodiya sila ngayon ng mga pulis at nahaharap sa reklamong robbery with intimidation.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.