Di virus ang ikinamatay ng mga isda sa Laguna Lake: BFAR
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Di virus ang ikinamatay ng mga isda sa Laguna Lake: BFAR
April Rafales,
ABS-CBN News
Published Jun 23, 2020 05:00 PM PHT
|
Updated Jun 23, 2020 07:42 PM PHT

MAYNILA -- Itinanggi ngayong Martes ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na virus ang ikinamatay ng tone-toneladang isda sa ilang bahagi ng Laguna Lake kamakailan.

Ayon kay Sammy Malvas, direktor ng BFAR sa Calabarzon region, hindi sakit ang ikinamatay ng mga isda kundi ang pagbabago ng panahon, na karaniwan umanong nangyayari.

"'Yong mababang level ng dissolved oxygen sa tubig at kalimitan po ang cause po niyan ay 'yong pagbabago bago ng weather condition natin," ani Malvas.

"Halimbawa po, sobrang mainit sa araw tapos bandang hapon, biglang bubuhos nang malakas na ulan, mayroon pong pagbabago na nagko-cause ng pagbaba ng level ng dissolved oxygen," paliwanag niya.

Umabot sa 800 toneladang tilapia at carpa ang namatay sa ilang bahagi ng Laguna Lake, partikular sa mga bayang sakop ng Rizal province.

Samu't sari ang lumabas na dahilan ng pagkamatay ng mga isda, kabilang ang pagkakaroon umano ng mga isda ng virus.

Ayon kay Malvas, 2017 pa huling nagkaroon ng insidente ng tilapia virus sa Pilipinas.

Naglalabas din ng health certificate ang BFAR bago payagang ibiyahe at alagaan ang mga isda sa mga fish farm, ani Malvas.

Iginiit ni Malvas na walang dapat ikabahala ang mga mamimili dahil ligtas kainin ang mga isda sa mga palengke.

Nagpaalala ang BFAR sa publiko na tiyaking nalilinis at naluluto nang maigi ang mga isda bago kainin.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
agrikultura
isda
tilapia
carpa
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
Laguna Lake
panahon
TV PATROL
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT