Halos 40k babakunahan sa Maynila ngayong Sabado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 40k babakunahan sa Maynila ngayong Sabado
Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jul 03, 2021 07:51 AM PHT

Halos 40,000 na mga residente ang inaasahang mababakunahan sa lungsod ng Maynila ngayong Sabado. Ito na ang isa sa mga araw na may pinakamaraming doses na ituturok sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office, may 4 na malls na may vaccine slot para sa tig-3,000 na mga residente.

Bukod sa mga malls, may 18 community vaccination sites sa mga paaralan sa 6 na distrito. Bawat community vaccination site ay pwedeng magbakuna sa 1,500 na tao.

Sa kabuuan may 39,000 vaccine slots ang lungsod ngayon araw para sa first dose.
Sa kabuuan may 39,000 vaccine slots ang lungsod ngayon araw para sa first dose.
ADVERTISEMENT
Lahat ng priority groups ay maaaring pumila sa mga vaccination sites na magbubukas hanggang 8 p.m.

Payo ni Mayor Isko Moreno, hindi kailangang pumila ng madaling-araw kasi buong araw ay may bakuna. Mas kaunti rin aniya ang tao bandang alas-2 at alas-3 ng hapon.

Inaasahan ding posibleng mas marami pa sa 40,000 ang matuturukan ng bakuna ngayong araw dahil, ayon sa alkalde, hangga't may nakapila ay magdadagdag sila ng bakuna kung kailangan. Kaya kahit gabi pa raw pumunta sa mga vaccination area ay may bakuna pa rin.

Nitong nakalipas na linggo, ilang araw ring walang mass vaccination sa Maynila.

Walang bakunahan nitong Lunes, Martes at Biyernes. Hindi pa kasi nagbigay ng certificate of analysis ang Department of Health na isa sa mga requirement para sa lahat ng bakuna.

Pero matapos magbigay na ng naturan certificate, tuloy na ulit ang mass vaccination sa lungsod, lalu’t dumating noong isang linggo ang 400,000 doses ng Sinovac na binili mismo ng Manila LGU.

KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
COVID-19
COVID pandemic
coronavirus
COVID Manila
bakuna COVID
vaccination Manila
Tagalog news
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT