19 barangay, apektado ng red tide sa Puerto Princesa

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

19 barangay, apektado ng red tide sa Puerto Princesa

Lynette dela Cruz,

ABS-CBN News

Clipboard

Naglabas ng shellfish advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsasabing positibo sa red tide toxin ang 19 barangay sa Puerto Princesa Bay.

PUERTO PRINCESA CITY – Nagpositibo ang Puerto Princesa Bay sa red tide ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Lunes.

Babala ng BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa 19 coastal barangays sa Puerto Princesa Bay dahil sa presensya ng red tide toxin.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga barangay Bancao-Bancao, Bagong Sikat, Bagong Silang, Pagkakaisa, Mabuhay, Liwanag, San Isidro, Bagong Pag-Asa, Matahimik, Mandaragat, San Pedro, Tiniguiban, Sta. Monica, Sicsican, Irawan, Iwahig, Sta. Lucia, Luzviminda at Mangingisda.

Lumalabas na nasa 100 gramo ang toxicity level ng mga kinuhang shellfish meat sample mula sa mga nabanggit na lugar.

ADVERTISEMENT

“Kung hindi maagapan ang isang tao na nakakain ng kontaminado ng toxin ng red tide organism, mamamatay ang isang tao na nakakain nito, kung hindi siya agad-agad madala sa hospital,” ani Felina Cabungcal, officer-in-charge sa fish laboratory ng Provincial Agriculture Office.

“Lalong-lalo na kasi itong ating Puerto Princesa Bay, na siya ngayon ang may red tide occurence, ay may history na siya ng red tide. Kaya nagkakaroon ng paulit-ulit na pagbabalik ng red tide organism, [ngayong] favorable na ang environmental condition, lumutang na naman sila.”

Ayon sa mga eksperto, ang red tide ay dulot ng organismong tinatawag na dinoflagellates na nagdadala ng lason sa mga shellfish at alamang.

Nagkakaroon ng red tide kapag may mahabang panahon ng tag-init at nasusundan ng malakas na pag-ulan, at nagkakaroon ng dagliang daloy ng tubig mula sa lupa papuntang dagat. Nagiging mayaman sa sustansya ang tubig alat kapag nangyayari ito, na nagiging sanhi ng pagdami ng dinofalleglates.

Pinangangambahan namang maapektuhan ang kita ng mga nagtitinda ng shellfish.

ADVERTISEMENT

“Malayo rin ang pinanggalingan ng mga shells namin, kagaya nitong 'yung Bagongon in Quezon,” ani Zenaida de Guzman, isang shell vendor sa old market ng Puerto Princesa City.

Humingi naman ng tulong sa lokal na gobyerno si Angelita Santino, isa ring shellfish vendor.

“Sa amin po ay okay lang kasi bawal talaga yan. Ang hiling lang po namin ditong mga tindero, mga taga shell section, na sana po ay tulungan po kami ng city government kasi po apektado ang kabuhayan namin dito. Talagang maliban sa mababa ang bentahan, halos wala talagang bumibili,” ani Santino.

Pero paglilinaw ni Cabungcal, puwedeng kainin ang mga isda mula sa mga apektadong lugar kung aalisin ang hasang at atay. Ligtas din kainin ang mga shellfish mula sa ibang barangay ng lungsod na hindi apektado.

“Ang sa atin lang ay careful lang tayo na walang mangyaring may malason dito sa atin. Kasi kung may malason, kawawa naman, mamamatay ang isang tao kung makakain ng kontaminadong shellfish,” ani Cabungcal.

ADVERTISEMENT

Huling linggo ng Enero ngayong taon nang idineklara ring positibo sa red tide ang Puerto Princesa Bay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.