Caregiver natagpuang patay sa loob ng pinagdikit na mga drum sa Rizal

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Caregiver natagpuang patay sa loob ng pinagdikit na mga drum sa Rizal

Karen de Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 04, 2023 05:33 PM PHT

Clipboard

Natagpuan noong Lunes ang bangkay ng isang caregiver sa loob ng pinagdikit na dalawang drum sa Cainta, Rizal.

Ayon sa kapatid ng 40 anyos na biktima, Huwebes nang huli niyang makita ang biktima, na namamasukan bilang caregiver ng dalawang matanda sa Barangay San Isidro.

"Noong pumasok siya, hindi na siya nakauwi noong gabi na ‘yon, doon na kami nag-react na hanapin siya. Sabi noong matanda, wala hindi pumasok," kuwento ng kapatid.

"Kinabukasan hinintay namin, wala pa rin. Hindi siya tumawag, hindi namin nako-contact number niya," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Tatlong araw ang lumipas pero hindi pa rin nagparamdam ang biktima kaya binalikan ng mga kaanak ang bahay ng mga inaalagaang matanda pero sinabihan silang wala doon ang biktima.

Noong Linggo, pumasok ang tiyahin ng biktima, na nagtatrabaho rin bilang tagalinis sa parehong bahay. Doon umano nakita ang mga gamit ng biktima.

"Nagtaka 'yong tiyahin ko. 'O sabi niyo hindi pumasok?' Sumagot 'yong babae, 'yong matanda, 'Pumasok siya. Namalengke ako. Pagbalik ko, wala na,'" anang kapatid ng biktima.

Nakatanggap naman ng reklamo ang mga tauhan na barangay tungkol sa nakasusulasok na amoy sa loob ng bahay.

Nang pasukin ng mga awtoridad, doon na natagpuan ang biktima na nakasilid sa loob ng mga drum.

ADVERTISEMENT

"Noong binuksan ng isang pulis, lumabas na po ‘yong paa niya," anang barangay tanod na si Aristotle Castillo.

Hustisya ang panawagan ng mga kaanak ng biktima.

"Sana ay matutukan na mahuli ‘yong gumawa kasi ‘yong matanda, hindi na kaya ‘yon e na ilagay doon sa drum," sabi ng kapatid.

Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.