Kontra dengue drive sinimulan sa Iloilo sa gitna ng outbreak
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kontra dengue drive sinimulan sa Iloilo sa gitna ng outbreak
Regi Adosto,
ABS-CBN News
Published Jul 06, 2019 10:50 AM PHT

Nagsagawa ng "Do Day Kontra Dengue" Sabado ng umaga ang lalawigan ng Iloilo matapos ideklara ang dengue outbreak sa lugar.

Nagtulong-tulong ang mga local government unit at mga residente sa paglilinis ng paligid. Ito'y upang maiwasan ang pamumugad ng mga lamok sa mga maruruming lugar, partikular sa stock na tubig.

Ang paglilinis ay alinsunod sa kautusan ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. sa ilalim ng Executive Order No. 16 nitong Biyernes.

Sa datos ng Provincial Health Office, mayroong 3,897 mga kaso ng dengue na ang naitala sa probinsiya, kung saan 18 sa mga pasyente ang namatay.

Dahil sa deklarasyon, inatasan ang lahat ng district hospital na magbigay ng libreng serbisyong kinakailangan sa mga pasyente.