DepEd summer break 'learning camps', bukas sa Grades 7, 8

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DepEd summer break 'learning camps', bukas sa Grades 7, 8

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nilinaw ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na ang pilot implementation ng National Learning Camps (NLC) sa darating na summer break ay pansamantalang magiging bukas lamang sa mga estudyanteng nasa Grade 7 at 8.

Ito'y kasunod ng naunang pahayag ni DepEd spokesperson Usec. Michael Poa na sakop ng NLC ang kabuuan ng K to 12 levels, at binigyang diin lamang ang Grade 7 at 8.

Ang Grade 7 at 8 ang tututukan muna ng NLC dahil mayroon umanong iba pang "learning interventions" na kailangan ipatupad sa ibang antas, ayon sa tagapagsalita.

"May mga instances tayo na medyo may edad tayo pero wala pa tayong kaukulang intervention pagdating sa reading, for example, sa English, Science and Math. So dito naman sa ating lower grades, mayroon tayong National Reading Program, National Science Program and National Math Program na gagawin na itong papasok na school year,” sabi ni Poa sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, titingnan muna umano ng DepEd ang magiging epekto at takbo ng NLC ngayong summer break bago nila palawakin pa ang programa sa ibang grade level.

Isasagawa ang NLC mula ika-24 ng Hulyo hanggang ika-25 ng Agosto, dalawang linggo matapos ang huling araw ng regular na klase sa Hulyo 7.

Mayroong tatlong klasipikasyon ang mga camp sa NLC — ang Enhancement Camp na isasagawa sa loob ng tatlong linggo, at ang Consolidation Camp at Intervention Camp na parehong isasagawa ng limang linggo.

Ang mga mag-aaral na makatatanggap ng bagsak na marka sa Math, English, at Science sa dulo ng school year ay irerekomenda sa Intervention Camp o tinatawag ring "remediation classes."

Ang iba namang mag-aaral mula sa pampublikong paaralan ay kukuha ng "pre-tests" para matingnan ang lebel ng kanilang kakayahan sa mga asignatura para mabalangkas ng paaralan kung irerekomenda ba sila sa Consolidation Camp o Enhancement Camp.

ADVERTISEMENT

"Kung mayroon na silang mastery, at gusto nila mag-learning camp doon sila sa Enhancement Camp natin. Kasi dito sa Enhancement Camp, dadagdagan mo na lang 'yung mastery mo sa learning areas," ani Poa.

"Mayroon naman tayong, although naiintindihan nila 'yung concepts [pero] hindi pa nila masasabi na fully mastered nila 'yung concepts, lalong-lalo na kailangan nila ma-link 'yung different learning areas, different learning competencies together. Doon siya papasok sa Consolidation Camp," dagdag niya.

Ang mga lalahok na mag-aaral sa naturang NLC ay kinakailangang pumasok sa kanilang face-to-face classes sa loob ng tatlong araw kada linggo, at apat at kalahating oras kada araw.

Nilinaw naman ni Poa na ang partisipasyon ng mga mag-aaral at guro sa camps ay boluntaryo, ngunit ang mga guro lalahok dito ay bibigyan umano ng karagdagang insentibo.

"First 'yung normal naman natin na certificate of recognition, upang pasalamatan sila sa pagparticipate nila sa ating national learning camp. Magbibigay din tayo ng service credits on top doon sa sinasabing 15 days," ayon sa tagapagsalita.

ADVERTISEMENT

"We are also looking at other incentives such as meals, we will provide meals din po sa teachers," aniya.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.