Bagong tipo ng gonorrhea, hindi nagagamot

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong tipo ng gonorrhea, hindi nagagamot

ABS-CBN News

Clipboard

Tatlong tao sa buong mundo ang mayroong isang uri ng hindi nagagamot na 'gonorrhea', isang sakit na nakakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik, ayon sa World Health Organization (WHO) nitong Biyernes.

Ayon sa mga eksperto mula sa WHO, seryosong sitwasyon ang pag-iral ng bagong uri ng sexually-transmitted disease (STD) na ito na hindi tinatablan ng mga gamot.

Hindi malayong hindi na maging epektibo ang mga antibiotic kontra gonorrhea kapag kumalat pa ito, dahil natututo ang 'superbug' na ito na labanan ang epekto ng gamot, ayon kay Teodora Wi ng WHO.

"Every time you introduce a new type of antibiotic to treat it, this bug develops resistance to it," ani Wi.

ADVERTISEMENT

Sa mga pag-aaral na inilabas sa PLOS Medicine journal, naitala na may mga kaso ng di nagagamot na gonorrhoea sa Japan, France, at Spain.

Maaaring mas marami pang kasong hindi naiuulat dahil mas bihira ang pagsusuri at pag-uulat ng ganitong mga kaso sa mas mahihirap na mga bansa.

Kailangang samantalahin ang mga oportunidad na dala ng mga kasalukuyang gamot, maging iyong mga paparating pa lang, ayon sa WHO. Ano mang bagong gamot ay dapat na maiparating sa lahat ng nangangailangan, at siguruhing ito ay nagagamit nang tama upang masugpo o mahinto ang pagkakaroon ng 'drug resistance' ng gonorrhea, dagdag pa ng organisasyon.

Ano ang gonorrhea?

Tinatayang may 78 milyong tao ang nagkakaroon ng gonorrhea kada taon, ayon sa WHO.

Naaapektuhan nito ang ari, rectum o tumbong, at ang lalamunan.

Maaaring magdulot ng pagkabaog, pamamaga sa pelvis o balakang, at HIV ang impeksiyong dulot ng gonorrhoea.

-- Ulat ni Kate Kelland, Reuters

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.