Paaralan sa Parañaque, hiling ang donasyong gadgets para sa blended learning

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paaralan sa Parañaque, hiling ang donasyong gadgets para sa blended learning

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Hiling ngayon ng isang public school sa Parañaque ang donasyong gadgets na maaaring magamit ng kanilang estudyante ngayong blended learning methods ang gagamitin sa papasok na school year.

Sa bisa ng kampanyang "Gadget ko, Tulay sa Future mo," layon ng Parañaque National High School (PNHS) na makalikom ng mga gadget, partikular na ang mga cellphone para sa mga estudyante lalo na’t ipinagbabawal pa sa ngayon ang face-to-face learning dala ng banta ng coronavirus.

Lumabas sa survey na isinagawa ng paaralan na 628 estudyante ang nagsabing wala silang cellphone, ayon kay Percila Mislang, Chairwomen ng Brigada Eskwela 2020 ng PNHS Main.

Mahirap aniya ito lalo na sa new normal na pag-aaral ngayon, kaya nakikiusap ang PNHS Main sa kanilang alumni at sa lahat ng gustong mag-donate ng cellphone or tablet o laptop para sa mga estudyante.

ADVERTISEMENT

Ang mga gadget na gagamitin ay malaking bagay aniya sa mga kabataan lalu na kung kailangan din nila magtanong o mag inquire sa mga teachers.

Puwede anilang mag-donate ng bago o lumang cellphone basta sana ito ay android na minimum 1 GB RAM at expandable memory.

Kailangan aniya ito para masulit rin ng mga bata ang gadget at talagang magagamit pa ng husto.

May P500 allowance ang mga estudyante sa Parañaque kaya imbis na sa pamasahe, maaari munang pangbili ng load ang cash assistance ng LGU, ayon kay Ma'am Mislang.

Nagpasalamat naman si Principal Gerry Lumaban sa mga unang batch ng donors, at pwede pa aniya magdonate ng gadgets.

Ang mga interesadong mag-donate ay maaring dumiretso sa Parañaque National High School main campus sa barangay San Dionisio o tingnan ang kanilang FB page.

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.