2 suspek sa pagpatay sa konsehal sa Lanao del Sur, sumuko sa pulis

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 suspek sa pagpatay sa konsehal sa Lanao del Sur, sumuko sa pulis

PJ dela Peña,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang municipal councilor sa bayan ng Balabagan, Lanao del Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdulazis Kusin Guiday Abdulkader at Alimparok dumiar Pagrangan.

Sumuko sa awtoridad ang dalawa Linggo ng gabi.

Una nang nakita ang getaway vehicle ng mga suspek sa Barangay Sigpang sa bayan ng Kapatagan noong Sabado.

ADVERTISEMENT

May mga bakas ng dugo at tama ng bala ang sasakyan, palatandaan na may natamaan din sa kanilang grupo nang magantihan ng putok sa pinasok na compound.

Nakuha ng militar ang bangkay ng isa sa mga suspek na si Fahad Guiday Abdulkader at ibinigay na sa kanyang pamilya.

Nasa pangangalaga ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang mga suspek na sumuko.

Binaril si Kapatagan Councilor Naffif Palawan Bansil noong Sabado sa bayan ng Balabagan.

Tatlo pang kasama nito ang sugatan nang pasukin ng mga armadong lalaki ang compound ni dating Mayor Hadji Amer Sampiano.

ADVERTISEMENT

Una nang tinitingnan na dahilan sa pamamaslang ang "rido" o family feud.

May tatlo pang kasama ang mga suspek na hinahanap pa rin ng pulisya.

Nitong Lunes, kinumpirma ni SPO1 Janjie Palacio na binaril din ng mga armadong lalaki si Balabagan Councilor Nonilon Pagrangan.

Natamaan ito sa paa at naisugod sa ospital.

Kamag-anak umano ng mga suspek si Pagrangan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.