Higit P131-M halaga ng pekeng sigarilyo nasabat sa Zambales

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit P131-M halaga ng pekeng sigarilyo nasabat sa Zambales

ABS-CBN News

Clipboard

Higit sa P131 milyong pisong halaga ng pekeng sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs sa Subic Bay Freeport, Zambales.

Tatlong 40-foot container shipment ang nadiskubreng naglalaman ng halos 3,160 master cases ng sigarilyo.

Ayon kay Subic District Collector Maritess Martin nitong Biyernes, ang pagkatuklas at pagka-kumpiska sa sangkaterbang pekeng sigarilyo ay resulta ng pinagsamang paniniktik at surveillance operations ng BOC-Subic at Intelligence Group sa inilatag na masinsinang profiling of shipments na may katulad na deklarasyon.

Nag-order ang BOC ng mabilisang issuance ng pre-lodgement control order noong Hulyo 4 laban sa shipment na naka-consigned sa isang Russhi Knish Consumer and Proline Logistics.

ADVERTISEMENT

Ang nasabing nasamsam na produkto ay hindi umano kasama sa mga brand ng sigarilyo sa mismong listahan ng Bureau of Internal Revenue at mga rehistradong importer ng naturang produkto.—Ulat ni Rod Izon

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.