P70-K ilegal na kahoy nasabat sa Mindoro; ex-konsehal itinurong may-ari

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P70-K ilegal na kahoy nasabat sa Mindoro; ex-konsehal itinurong may-ari

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nasabat ng mga awtoridad ang isang truck ng ilegal na coco lumber na ipupuslit sana palabas ng Oriental Mindoro, Huwebes.

Palabas na sana ng Calapan City Port ang truck na minamaneho ni Mario Batinga nang maharang ito ng pulisya, Philippine Coast Guard at Bureau of Plant Industry, ayon kay Mimaropa police spokesperson Supt. Imelda Tolentino.

Nasa 8,000 board feet aniya ang sukat ng kahoy na nagkakahalaga ng P70,000.

Expired na ang permit to transport na ipinakita ng driver kaya kinumpiska ng awtoridad ang nasabing kargamento, dagdag ni Tolentino.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman din aniyang galing sa bayan ng Pola ang kargamento at dadalhin sana sa Metro Manila.

Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni Calapan police chief Supt. Jojo Paguio na si dating Konsehal Archilito Dumaran ng Pola ang may-ari ng kontrabando, base sa ipinakitang dokumento ng driver.

Nito lamang nakaraang linggo, nasabat din aniya sa Socorro ang kahalintulad na kontrabando na pagmamay-ari rin umano ni Dumaran.

Inihahanda na ng pulisya ang mga kasong isasampa nila sa mga suspek. -- Ulat ni Noel Alamar

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.