Ambulansyang ginamit umanong pampasada, huli
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ambulansyang ginamit umanong pampasada, huli
Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Jul 13, 2022 08:04 PM PHT

MANILA — Huli ang isang ambulansya na ginawa umanong pamasada at gumagamit pa ng sirena sa Macapagal Boulevard, Parañaque City bandang alas-9 ng umaga ngayong Miyerkoles.

Napag-alamang ambulansya ito ng pamahalaang bayan ng Rosario, Cavite.

Ayon kay I-ACT Special Operations Unit team commander Manuel Bonnevie, nag-counterflow ang ambulansya kahit walang rerespondehang emergency o pasyente sa loob.

Nang tingnan ang sakay ng ambulansya, tumambad sa kanila ang 10 katao, kabilang ang isang sanggol at bata.
Nang tingnan ang sakay ng ambulansya, tumambad sa kanila ang 10 katao, kabilang ang isang sanggol at bata.
ADVERTISEMENT
"Naka-kamiseta lang, mukhang pupunta sa trabaho. Gamitin natin nang tama ang ambulansya kasi sabi nga namin, dahil iyan ay hindi naman emergency. Dapat ginamit n'yo lang diyan ay sasakyan ng barangay o kung anong service ng barangay n'yo," dagdag ni Bonnevie.

Depensa umano ng mga pasahero, magdo-donate sila ng dugo sa isang pagamutan.

Hindi naman maaaring tiketan ng I-ACT ng anumang paglabag sa pamamasada ang driver ng ambulansya dahil ito’y may kinalaman sa prangkisa, na siyang saklaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

"Kaya po namin pinara kasi mabilis magpatakbo at walang seatbelt, chineck namin iyong papeles, wala ring dalang OR at CR (official receipt at certificate of registration)," dagdag ni Bonnevie.

Tineketan naman ang driver ng unregistered vehicle at paglabag sa hindi pagsusuot ng seatbelt.
Tineketan naman ang driver ng unregistered vehicle at paglabag sa hindi pagsusuot ng seatbelt.
ADVERTISEMENT
Pero sa pahayag naman ng pamahalaang bayan ng Rosario, nilinaw nitong mga kababayan nila ang pasyente na patungo sa Philippine General Hospital at Dr. Fabella Memorial Hospital.

"Iyong nakita ng I-ACT ay papunta ng PGH at Fabella Hospital upang magpa-chekup," anila.

Dagdag pa nila, ligal din ang biyahe ng ambulansya na nakatala pa sa kanilang daily transport logbook.