Lalaking nagpanggap na pulis, arestado sa Makati
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagpanggap na pulis, arestado sa Makati
ABS-CBN News
Published Jul 14, 2019 08:25 AM PHT

MAYNILA - Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis nang sitahin para sa isang traffic violation sa EDSA Magallanes nitong Sabado ng hapon.

Nakasakay ng motorsiklo ang 32 anyos na suspek, ayon kay Police Major Gideon Ines, hepe ng Makati Police Criminal Investigation Group.

Nagpakita pa ang lalaki ng ID ng pulis at nagpakilalang taga-Luneta PCP sa Maynila. Pero nahalata ng mga tunay na pulis na tila peke ang ID ng lalaki.

Umamin din ang lalaki na hindi tunay ang kaniyang ID. Nahaharap siya sa reklamong usurpation of authority. --Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News