Manila traffic enforcer, hepe, sibak dahil sa 'kotong'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manila traffic enforcer, hepe, sibak dahil sa 'kotong'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinibak sa puwesto ang isang enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at ang kaniyang hepe matapos makuhanan ng video ang enforcer na nangongotong umano, sinabi nitong Miyerkoles ng pinuno ng ahensiya.

"Command responsibility, sabi ko po, I am relieving him of his position," sabi ni MTPB chief Dennis Alcoreza.

Ayon pa kay Alcoreza, pagbabawalan nang mamigay ng tiket ang MTPB sa traffic violators at sa halip ay traffic police lang ang gagawa nito.

Umani ng higit 2 milyong views ang Facebook video ng MTPB enforcer na umano'y nangotong sa isang dayuhan at kaniyang kasama sa may Dimasalang Street.

ADVERTISEMENT

Tumanggap ng P2,000 ang enforcer bilang "areglo" matapos bigyan ng ordinance violation receipt ang dayuhan at kasama nito.

Kuwento naman ng sinibak na sector commander na si Jay Gutierrez, nagtatago na ang enforcer.

"Sabi niya lang sa 'kin, ang initial lang na sinabi niya sa 'kin, 'Sir, sorry,'" ani Gutierrez.

Nakiusap din si Alcoreza sa mga motorista na tigilan ang panunukso sa mga enforcer.

"Walang tatanggap kung walang magbibigay," aniya.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.