Pulis, aksidenteng nabaril ang sarili | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis, aksidenteng nabaril ang sarili
Annie Pasion,
ABS-CBN News
Published Jul 19, 2017 11:42 PM PHT

ISABELA - Sugatan ang isang pulis matapos niyang aksidenteng mabaril ang sarili habang nasa information desk ng Regional Trial Court Branch 19 sa Cauayan City, Isabela, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Police Officer 3 Nick Delos Reyes.

Ayon kay police Senior Inspector Esem Galiza, public information officer ng Cauayan City Police, aksidenteng nakalabit ni Delos Reyes ang gatilyo ng kanyang service firearm.

"Mag-aattend sana ng hearing ng RA 9165 case nila, nung nandun na siya sa info desk, tinanggal niya 'yung magazine ng kanyang baril, then nung kini-clear niya, malamang nakapasok yung trigger finger siguro siya, pumutok iyung Glock niya," aniya.

Tinamaan sa tiyan si Delos Reyes na tumagos sa kanyang tagiliran.

Agad siyang naitakbo sa ospital at ngayon ay maayos na ang kanyang kundisyon.

Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
Masuwerte naman na walang nadamay sa insidente.

Narekober ang isang basyo ng bala sa lugar kung saan nangyari ang insidente.
Narekober ang isang basyo ng bala sa lugar kung saan nangyari ang insidente.
ADVERTISEMENT
Ipinaliwanag ng chief range officer ng Regional Training Center 2 na si Senior Police Officer 2 Felix Ballesteros Jr. ang posibleng naging sanhi ng malfunction sa baril ni Delos Reyes.

"Yung refill, paulit-ulit na ginamit na empty shell na nilagyan ulit ng panibagong bala. Ang tendency nun, numinipis yung bakal nung empty shell. Pag nilalagyan ng panibagong bala, nagpa-pop, lumalaki kung nilagay mo sa barrel mo," aniya.

Para hindi na maulit ang insidente, mariin niyang pinaalala ang apat na panuntunan sa tamang pag-iingat ng baril.

Una, laging isipin na kargado ang baril. Pangalawa, huwag ituro ang baril sa mga bagay na hindi mo gustong mabaril. Pangatlo, panatilihing nasa labas ng gatilyo ang trigger finger, at pang-apat, siguraduhin ang target at mga nasa paligid nito.

"Pag magtatanggal ka ng magazine, pag kinalabit ko ito, puputok. Nakalagay pa rin yung index finger ko sa labas para in case na nerbiyosin ako, hindi ko basta-basta makakalabit," dagdag pa ni Ballesteros.

Bagama't aksidente ang nangyari, maaari pa ring makasuhan si PO3 Delos Reyes.

“Talagang nagkaroon siya ng mishandling. Depende kung kakasuhan siya ng administratibo, kasi pwede rin. kasi in public place yun, as a Police Officer, alam mo dapat kung paano i-handle ang firearm mo," paliwanag ni Galiza.

Labing-apat na taon na sa serbisyo si PO3 Delos Reyes at nakatalaga siya ngayon sa Luna Police Station.