PAGASA: Egay, posibleng maging super typhoon sa Martes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PAGASA: Egay, posibleng maging super typhoon sa Martes

PAGASA: Egay, posibleng maging super typhoon sa Martes

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Napanatili ng bagong Egay ang lakas nito habang patungo sa kanluran hilagang-kanluran sa karagatan ng bansa niyong Biyernes.

Sa pinakahuling monitoring ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Egay sa layong 835 kilometers silangan ng timog-silangan ng Luzon.

Kumikilos ito patungong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20kph.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 70kph.

ADVERTISEMENT

Wala pang nakataas na signal number sa ano mang probinsiya sa bansa.

Sabi ni PAGASA Weather Division Chief Engr. Jun Galang, asahan na ang mga pag-ulan sa Lunes at lalong lalakas ang pag-ulan sa Martes sa Mimaropa, Western Visayas at Western portion ng Mindanao dahil na rin sa epekto ng habagat.

Sa Metro Manila, posibleng ulanin din sa hapon simula sa Lunes kasabay sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa forecast track ng bagyo, posibleng umabot ang lakas ng bagyong Egay sa super typhoon category pagsapit ng Martes, ayon kay Galang.

Sa ngayon, hindi isinasantabi ang posibilidad na maapektuhan ang Batanes, Calayan at Babuyan Island sa susunod na Linggo.

ADVERTISEMENT

Sabi ng PAGASA, maliit ang posibilidad na mag-landfall ang bagyong Egay subalit posible pa ring magbago ito sa mga susunod na araw.

Tinatayang nasa 50-100mm kada araw ang inaasahang dala ng bagyo sa Visayas area at ilang parte ng Mindanao.

Sabi ni Dr. Esperanza Cayanan, officer in charge ng PAGASA, kung magiging malakas ang mga pag-ulan, posibleng makaranas din ng pagbaha sa ilang parte ng Metro Manila pero inaasahang mabilis lang din itong huhupa.

Hindi naman inaasahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Bicol Region subalit asahan na rin ang mga pag-ulan sa lugar na posibleng makaapekto sa aktibidad ng bulkang Mayon.

Magpapalabas din umano ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Lunes para makapaghanda ang mga kinauukulan sa mga posibleng mangyari sa susunod na 2 hanggang 3 oras.

ADVERTISEMENT

Bagamat inaasahang mas lalakas pa ang bagyong Egay, inaasahang mabagal ang pagkilos nito dahil sa high pressure na nakakaapekto sa paggalaw nito, ani Galang.

Ayon sa PAGASA, ito na ang ikalawang bagyo na pumasok sa bansa ngayong Hulyo at pang-lima ngayong taong 2023.

Dagdag pa ni Galang, posibleng may mabuong panibagong low pressure area sa West Philippine Sea o sa silangan ng Batanes sa susunod na linggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.