Sekyu, pinugutan sa pagamutan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sekyu, pinugutan sa pagamutan

ABS-CBN News

Clipboard

BUTUAN - Tadtad ng saksak at pugot na ang ulo nang matagpuan ang isang security guard sa kanyang pinagtatrabahuhang dialysis center sa siyudad na ito, Linggo

Nakilala ang biktima na si Jonefer Bustillo, 55 anyos na guwardya ng na Nephrology Center of Caraga Inc. (NCCI).

Nagtamo si Bustillo ng 15 na saksak habang nakita naman ang kanyang ulo ilang metro ang layo mula sa kanyang katawan, ayon sa imbestigador na si PO2 Bernard Amora.

Lumabas aniya sa inisyal na imbestigasyon na naka-duty at posibleng tulog ang biktima nang paslangin siya, batay na rin sa mga bakas ng dugo na nakita sa upuang hinigaan niya.

ADVERTISEMENT

Dakong ala-1 ng umaga nang matuklasan ang bangkay ni Bustillo ng isang utility worker mula sa gusaling katapat ng NCCI.

Kuwento naman ng isang anak ng guwardya, nakausap pa niya ang ama sa pagamutan bago siya umuwi bandang alas-11 ng gabi.

Tatlong taon nang nagtatrabaho si Bustillo sa NCCI. Walang alam ang kanyang mga kasamahan sa opisina kung may nakaalitan ito.

Sinisilip naman ng mga awtoridad ang away sa lupa at dati nang alitan bilang posibleng mga motibo sa pamamaslang. -- Ulat ni Rodge Cultura, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.