Kainan sa Benguet, huli sa pagbebenta ng karne ng aso

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kainan sa Benguet, huli sa pagbebenta ng karne ng aso

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang may-ari ng isang kainan sa pagbebenta ng karne ng aso sa La Trinidad, Benguet.

Ilang buwan nang minamanmanan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang diumano'y bentahan ng karne ng aso sa nasabing lugar.

Sa kuha ng CCTV nakitang may itinapon na nakabalot sa pink na tuwalya. Nang damputin ito ng mga operatiba, tumambad sa kanila ang mainit-init pang lutong ulo ng aso.

Nakumpiska sa kainan ang dalawang ulo ng aso at ang iba pang mga bahagi nito.

ADVERTISEMENT

Hindi umano bababa sa 2 aso ang kinakatay dito kada araw at nagmumula pa umano ang mga ito sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

Nahaharap ang may-ari ng kainan na si Alexander Galut sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 at sa Anti-Rabies Act of 2007.

Katuwang ng CIDG ang sa operasyon ang non-government organization na Animal Kingdom Foundation.

-Umagang Kay Ganda, ika-27 ng Hulyo 2017

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.