Lalaking nagbebenta ng mga 'exotic' na hayop, arestado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagbebenta ng mga 'exotic' na hayop, arestado
Jervis Manahan,
ABS-CBN News
Published Jul 31, 2018 05:22 AM PHT

Lalaking nagbebenta ng Asian Leopard Cat at Pit Viper na ahas online, na-aresto sa entrapment operation ng MPD Station 7. Ang suspek, umaming nangongolekta ng mga 'exotic' na hayop gaya ng mga tarantula @ABSCBNNews pic.twitter.com/sTAoyKZTya
— Jervis Manahan (@jervismanahan) July 30, 2018

MAYNILA - Arestado ang isang lalaking nagbebenta ng mga "exotic" na hayop sa entrapment operation sa Tondo, Maynila.

Nakuha sa kaniya ang isang pit viper na ibinebenta sa halagang P2,500 at Asian Leopard Cat na ibinebenta sa halagang P25,000.

Nahuli ang suspek sa entrapment operation ng Manila Police District (MPD) Station 7 at Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos mapag-alaman ang ilegal na gawain sa social media.

Sa Negros pa umano kinukuha ang mga hayop at ibinabiyahe papuntang Batangas para dalhin sa Maynila.
Sa Negros pa umano kinukuha ang mga hayop at ibinabiyahe papuntang Batangas para dalhin sa Maynila.
ADVERTISEMENT
Sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, mahigipit na ipinagbabawal ang pagmamay-ari ng mga ganitong klaseng hayop kung walang kakayahang pinansiyal at pacilidad sa mag-aalaga nito.

Depensa naman ng suspek, kolektor lang siya na napilitang magbenta dahil gipit sa budget.

"Nangangailangan lang ako pera, aalagaan ko lang sana," aniya.

Itinurn-over na ang mga hayop sa DENR. Posible namang makulong ang suspek nang hanggang 6 na buwan at magmulta pa ng hanggang P100,000.