Monkeypox karaniwang mild, madalang makamatay: DOH
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Monkeypox karaniwang mild, madalang makamatay: DOH
Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Jul 31, 2022 01:22 PM PHT
|
Updated Jul 31, 2022 07:49 PM PHT

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na karaniwang mild ang mga sintomas at madalang ang namamatay sa monkeypox.

"Monkeypox symptoms are mild, and the disease is rarely fatal," sabi ng DOH sa isang pahayag na ipinadala nitong Sabado sa media.

Ipinaliwanag ng DOH na dalawa ang clade o grupo ng organism ng monkeypox: ang West African at Congo Basin clade.

Lumalabas sa datos mula sa World Health Organization (WHO) na nasa 360 ang case fatality rate (CFR) sa 10,000 kaso ng West African clade, habang 1,000 naman ang CFR sa 10,000 kaso ng Congo Basin clade.

Sa mga bagong datos, 10 na ang namatay sa 22,000 kaso ngayon ng monkeypox sa buong mundo, na nangangahulugang may 5 CFR sa kada 10,000 kaso.

Inilabas ng DOH ang pahayag isang araw matapos kumpirmahin ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Ayon sa mga infectious disease expert, mas nakahahawa pa rin ang smallpox at COVID-19 kompara sa monkeypox, bagaman hindi umano dapat magpakampante ang publiko.

"Iba-iba 'yong virus po kasi na sanhi ng smallpox, ng monkeypox bagama't iyan ay parang magpi-pinsan," ani Dr. Enrique Tayag.

"Ngayon, ang kaibahan niyan ay itong chickenpox nga, bulutong-tubig, eh ito ‘yong mabilis makahawa. Mas lubhang nakakahawa naman itong chickenpox kompara po ro’n sa monkeypox, kaya nga pailan-ilan lang ‘yong kaso niyan sa bansang Africa kung saan nag-umpisa iyan at kung saan endemic iyan," paliwanag niya.

"While it is not as infectious as COVID-19 where the main mode of transmission is aerosol, the main mode of transmission of monkeypox is close intimate contact. Having said that again, this is still not considered a sexually transmitted disease," ani Dr. Paul Salandanan.

Napapansin din ni ABS-CBN data analyst Edson Guido na mas mabagal ang pagkalat ng monkeypox kompara sa COVID-19.

"'Yong spread na nakita natin kasi, May 6 doon nagsimula ‘yong confirmed case. Tapos ngayon, puwede nating sabihin halos mag-3 months na at nasa 20,000 para sa buong mundo na," ani Guido.

Sa huling datos mula sa WHO, nasa 19,178 na ang mga kaso ng monkeypox sa 78 bansa.

Mula Hulyo 18 hanggang 24, nakapagtala ang WHO ng 4,407 na bagong kaso ng monkeypox o 60.6 porsyento na pagtaas kompara sa sinundang linggo o mula Hulyo 11 hanggang 17, kung saan may 2,744 na kaso.

Pinakamarami ang kaso sa mga rehiyon sa Europa (67.9 porsyento) at Amerika (30 porsyento).

Ayon sa infectious disease specialist na si Dr. Rontgene Solante, mas kaunti na lang ngayon ang skin lesion ng tinatamaan ng monkeypox at karaniwang nasa localized area lang, tulad ng ari.

May iba rin aniyang nagkakaroon ng sugat at pamamaga sa entrada ng puwetan.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Monkeypox
Africa
Eric Tayag
Paul Salandanan
Department of Health
World Health Organization
disease
infectious disease
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT