Guard na napatay sa Ateneo shooting, pinarangalan ng PNP
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guard na napatay sa Ateneo shooting, pinarangalan ng PNP
Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Aug 03, 2022 09:22 PM PHT

MAYNILA - Iginawad ng Philippine National Police ang Medalya ng Katangi-tanging Asal o Blueguards Special Action Medal sa nabaril na Ateneo De Manila University guard na si Jeneven Bandiala.

Natanggap ito ng pamilya sa huling araw ng kanyang burol sa Quezon City.

Ayon sa pahayag ni Maj. Gen. Jesus Cambay Jr., Director ng PNP-Civil Security Group, ang naging aksyon ni Bandiala ay pagpapakita ng dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.

"The act of bravery exhibited by SG Bandiala is a strong manifestation of his exceptional conduct as professional security guard," ani Cambay.

Bukas, Agosto 4, ibibiyahe pauwi sa Lopez Jaena, Misamis Occidental ang mga labi ni Bandiala.

Ayon kay Cristina Mascardo, asawa ni Bandiala, plantsado na ang lahat ng travel documents ng kaniyang mister.

"Doon na po pag-uusapan kung ilang araw pa siya ibuburol doon," ani Mascardo.

Si Bandiala ang isa sa tatlong nabaril at nasawi sa shooting incident sa Ateneo de Manila University nitong Hulyo 24.

Bukod kay Bandiala, namatay rin ang dating alkalde ng Lamitan City, Basilan na si Rose Furigay at ang kaniyang long-time aide na si Victor Capistrano.

Idaraos sana ang pagtatapos ng Ateneo Law school students noong araw na iyon, kabilang ang anak ni Furigay na si Hannah, nang mamaril si Dr. Chao Tiao Yumol, target ang mga Furigay, ayon sa pulisya.

Nahuli ng awtoridad si Yumol.
Nahuli ng awtoridad si Yumol.
Nagpadala ng bulaklak ang pamilya Furigay bilang pakikiramay sa pamilya Bandiala.

Umaga ng Miyerkoles inilibing si dating Mayor Furigay sa Lamitan.

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
ADMU shooting incident
Furigay Clan
graduation rites
security guard
Jeneven Bandiala
Ateneo
Ateneo De Manila
Ateneo De Manila University
ADMU
Ateneo shooting
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT