SAPUL SA CCTV: Computer shop hinoldap, mga kostumer tinutukan ng baril
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: Computer shop hinoldap, mga kostumer tinutukan ng baril
ABS-CBN News
Published Aug 04, 2019 06:31 PM PHT

Nakuhanan ng CCTV noong Huwebes ang panghoholdap ng 2 armadong lalaki sa isang computer shop sa Guiguinto, Bulacan.

Pumasok sa loob ng computer shop ang 2 lalaki bandang alas-9 ng gabi, base sa kuha ng CCTV.

Nilapitan ng lalaking naka-face mask ang bantay na si Reymart Ogaris at kinuha ang pera sa drawer.

Dahil naka-headphones ang nasa 20 kostumer, na karamihan ay menor de edad, hindi raw nila narinig ang pagdating ng mga holdaper.

Ayon sa kostumer na si Carlo Henlo, hindi niya akalain itututok sa kanila ang baril na ginagamit lang nila sa online games.

Binarikada ng mga holdaper ang nagkalat na upuan at sinigawan umano ang mga kostumer na huwag sumunod sa kanila.

Tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Sinumbong naman kaagad sa pulis ang insidente pero hindi na nila naabutan ang mga salarin.

Ipina-blotter na ng mga may-ari ng computer shop ang nangyari.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Guiguinto police sa pangyayari.

Magmula nang mangyari ang holdapan, tiniyak ng may-ari ng computer shop na dodoblehin na niya ang pag-iingat at aagahan ang pagsasara.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT