Mga dorm, cafeteria inihahanda na para sa face-to-face classes sa NCR
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga dorm, cafeteria inihahanda na para sa face-to-face classes sa NCR
ABS-CBN News
Published Aug 04, 2022 03:50 PM PHT

MAYNILA - Naghahanda na ang mga dormitoryo at mga school canteen sa Metro Manila sa nalalapit na face-to-face classes ng ilang paaralan ngayong buwan.

Ang Jolly Dormitory sa Sampaloc, Maynila, binawasan ang kapasidad ng kada kuwarto. Pinalawak din nila at nilagayan ng espasyo ang dibisyon ng mga ito.

"Before pandemic aabot kami siguro ng 300 to 400 pero since pandemic nagkaroon kami ng advice from LGU na half capacity lang kami, so yung mga rooms nagbawas kami, yung mga dating 8, 6 lahat yun 50 percent capacity, even the beds tinanggal namin so from 8, 4 beds na lang, from 6, 3 beds na lang," ani Kat Gallano, may-ari ng Jolly Dormitory.

Dapat ding fully-vaccinated ang tenant o magpakita ng negative result ng swab test bago tanggapin.
Dapat ding fully-vaccinated ang tenant o magpakita ng negative result ng swab test bago tanggapin.
ADVERTISEMENT
May nakahanda rin silang isolation area oras na may magpositibo sa COVID-19.

"'Yung buong 4th floor bakante siya. So yung naging preparation namin if ever lang na may magpositive, doon sya i-a-isolate and then magkakaroon kami ng communication with the barangay, barangay to local government, then DOH sila po yung pupunta dito para ipick up kung sino yung nagpositive," ani Gallano.

Sa Freedom Dormitory, dalawang estudyante lang ang pinapayagang manatili sa isang kuwarto.

"Pagdating ng July first week puno na talaga siya. Ang dami naming inquiries. Upon sa entry bago namin sila tinanggap so iniinterview pa namin sila kung fully vaccinated po sila, so if fully vaccinated na po pwede namin sila tanggapin pero kung hindi sila vaccinated kailangan nila magpatest bago namin tanggapin," ani Freedom Dormitory Residence directress Diessa Mae Otoc.

Handa na rin sila sakali mang may magpositibo sa COVID-19.
Handa na rin sila sakali mang may magpositibo sa COVID-19.
ADVERTISEMENT
"Mayroon po kaming isang building na isolation po namin, kinukuha po yung bata dito tsaka ina-isolate po siya doon. Doon po siya inooserbahan ng company nurse namin," ani Otoc.

Ayon sa Office of the City Administrator ng Maynila, iniinspeksiyon nila ang mga dorm kung ito ay malinis at ligtas tirhan.

Aabot sa 43 sa mahigit 200 nauna nilang inspeksyon ang nag-renew at operational sa ngayon.

"We follow the IATF regulation since we are in level 1, 50 percent lang ng capacity ang allowable, number two we make sure that yung fire safety kailangan i-observe nila. That's the most important thing kailangan dumaan lahat sila sa fire department inspection," ani Manila City administrator Bernardito Ang.

Babala ng Office of the City Administrator sa mga lalabag na dormitoryo na maaaring maipasara ito at maharap sa criminal liabilities ang may-ari.

Hinikayat din nila ang mga tenant na i-report ang paglabag ng mga dormitoryo.

Ang ilang school canteen, gaya ng sa San Francisco High School sa Quezon City, planong ayusin para mas maging ligtas para sa mga estudyante

Humihingi ng tulong ang kanilang principal na si Dr. Edna Banaga para sa mga materyales para sa Brigada Eskuwela. Plano ring i-convert ang gazebo bilang canteen para masunod ang health protocol.

"Ito icoconvert namin kasi air flow safer at mas maluwag and it can accomodate more children. at the same time nakatitiyak kami mga bata ay safe, mag provide kami, very environmental dba may puno, free flow ang hangin," ani Banaga.

Maglalagay sila ng beach umbrellas at mga mesa na may physical distancing at isa rin sa mga posibleng opsyon ang pagdeliver ng pagkain sa mga classroom.

Naghahanda naman si Jion Redona na private school canteen concessionaire sa muling pagbubukas ng klase. Tatlong canteen niya ang nagsara dahil sa COVID-19 pandemic.

"Napakasaya na bumalik ang classes and on November, full operation ang mga schools, napakasaya sa amin dahil our invested effort, time noong mga unang panahon before pandemic, magrorotate na ulit," ani Redona.

Pero may mga pagbabago ring gagawin sa operasyon ng mga canteen.

Halimbawa, limitado lang ang bilang ng mga estudyanteng papayagan sa loob at tuloy ang health protocols.

Naghihintay na lang ang mga paaralan ng guidelines hinggil sa operasyon ng mga school canteen.
Naghihintay na lang ang mga paaralan ng guidelines hinggil sa operasyon ng mga school canteen.
ADVERTISEMENT
Sa inilabas na department order nitong Hulyo, sinabi ng Department of Education na ipinagbabawal na kumain ng magkaharap ang mga estudyante at pati mga guro.

Bawal ding mag-usap habang nakatanggal ang face mask.

-- Ulat nina Jekki Pascual at Raya Capulong, ABS-CBN News
Kaugnay na video:
Read More:
dormitories
dorms
face-to-face classes
universities
Manila
education
edukasyon
schools
Quezon City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT