BFAR nagbabala sa red tide sa ilang siyudad sa Visayas, Mindanao

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BFAR nagbabala sa red tide sa ilang siyudad sa Visayas, Mindanao

ABS-CBN News

Clipboard

BFAR

MAYNILA - Nag-abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na iwasan muna ang pagkain ng shellfish mula sa ilang siyudad sa Bohol, Leyte, Davao Oriental, Surigao Del Sur, at Negros Oriental dahil sa red tide.

Sa isang bulletin na inilabas noong Hulyo 30, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na positibo pa rin sa red tide ang mga shellfish na kinolekta sa mga sumusunod na lugar:

BOHOL

  • Dauis
  • Tagbiliran City

LEYTE

  • Cancabato Bay
  • Tacloban City

DAVAO ORIENTAL

  • Balite Bay
  • Mati City

SURIGAO DEL SUR

  • Lianga Bay

Samantala, nagpositibo na rin daw sa red tide toxin ang mga shellfish na nakuha nila sa Tambobo Bay, Siaton, at Bais Bay sa Bais City sa Negros Oriental.

Paalala ng tanggapan na ang kahit anong uri ng shellfish o alamang na makukuha sa lugar ay hindi ligtas kainin.

ADVERTISEMENT

Ligtas naman daw kainin ang mga isda, hipon, squid, at mga crab na makukuha sa mga nabanggit na lugar basta't mahugasan ang mga ito nang maayos.

"All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown are not safe for human consumption," anila sa bulletin.

"Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided they are fresh and washed thoroughly and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking," dagdag nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.