Lalaki patay sa panibagong landslide sa Abra
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki patay sa panibagong landslide sa Abra
ABS-CBN News
Published Aug 05, 2022 03:24 AM PHT

Patay ang isang lalaki nang matabunan ng landslide ang kubo sa Tubo, Abra noong Martes, Agosto 2.

Kinilala ang nasawi na si Dario Sario, 59, na residente ng Barangay Wayangan sa nasabing bayan.

Nakaligtas ang kasama niyang si Samuel Agosto.

Kwento ni Agosto sa awtoridad, katatapos lang nilang maghapunan nang nakarinig sila ng ingay mula sa labas ng tinutuluyang kubo bandang 7:53 ng gabi.

Sinabihan niyang lumabas ang biktima pero hindi agad nakaalis dahil umano sa problema sa paningin.

Sa isinagawang search and rescue operation, bangkay nang natagpuan ang biktima.

Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office, gumuho ang bahagi ng bundok dahil sa paglambot ng lupa bunsod ng pag-ulan at nararanasan pa rin ng aftershock.

Ito na ang ika-anim na namatay sa Abra matapos ang nangyaring magnitude 7 na lindol noong nakaraang Miyerkules, Hulyo 27.—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT