Magkapatid patay sa gulo sa videoke bar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkapatid patay sa gulo sa videoke bar

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

BACOLOD CITY - Patay ang magkapatid na lalaki matapos pagsasaksakin sa isang videoke bar sa Barangay Alijis sa lungsod na ito Linggo ng madaling araw.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng report na may gulong nangyari sa isang videoke bar sa lugar.

Patay na nang madatnan sina Jessie at Jonathan Naranja na nagtamo ng mga saksak sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.

Naisugod pa sa ospital ang kasama nilang si Jerry Martinez na ngayon ay ligtas na.

ADVERTISEMENT

Lumalabas sa imbestigasyon na nagbasag umano ng mga bote ng beer ang magkapatid dala ng kanilang kalasingan. Isang lalaki rin sa videoke bar ang hinampas umano ng sinturon ng isa sa mga namatay.

Dagdag pa ng mga pulis, gumanti ang lalaki at nauwi ito sa pananaksak na ikinamatay ng magkapatid.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang itinuturong salarin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.