Field trips, puwede na ulit sa mga kolehiyo, unibersidad

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Field trips, puwede na ulit sa mga kolehiyo, unibersidad

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 10, 2017 11:58 PM PHT

Clipboard

Simula Agosto 8, maaari na muling magsagawa ng mga off-campus field trip ang mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad para sa kanilang mga estudyante.

Ito'y matapos alisin ng Commission on Higher Education (CHED) ang ban sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa labas ng campus, kasama na rito ang mga field trip. Kasunod din ito ng paglalabas ng mas pinaigting na mga polisiya at tuntunin sa pagsasagawa ng mga nasabing aktibidad.

Pebrero 2017 nang pansamantalang suspendihin ng CHED ang mga field trip matapos maaksidente ang isang bus ng mga estudyanteng papunta sa camping sa Tanay, Rizal. Ikinamatay ito ng 15 katao.

Nilagdaan ni CHED Chairperson Patricia Licuanan ang Memorandum Order No. 63 noong Hulyo 25 na nagtatakda ng mga bagong panuntunan sa mga off-campus activity.

ADVERTISEMENT

Kasabay ng pagtanggal ng ban, sinabi ng CHED na dapat sumailalim sa pagsusuri ng mga eskuwelahan ang kondisyon at 'loading capacity' ng gagamiting sasakyan.

Kailangang may insurance din ang mga kasama sa aktibidad at bawal parusahan ang mga estudyanteng hindi makasasama sa field trip.

Kailangan ding magbigay ang mga estudyante ng written consent mula sa kanilang mga magulang, at dapat din ay magbigay sila ng medical clearance sa eskuwelahan. Alternatibong mga aktibidad naman ang dapat na ipagawa sa mga estudyanteng hindi makasasama sa field trip.

Ang mga kolehiyo at unibersidad na lalabag sa mga polisiyang ito ay maaaring isuspinde mula sa pagsasagawa ng mga field trip at iba pang off-campus activities.

Kapag paulit-ulit naman ang paglabag, maaaring tanggalan ng permit to operate o i-downgrade ang status ng kolehiyo o unibersidad. Maaari rin silang kasuhan ng CHED.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.