Puwersa ng Maute sa Marawi, sinasabing nadagdagan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Puwersa ng Maute sa Marawi, sinasabing nadagdagan
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2017 10:06 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2017 10:47 PM PHT

May nakapasok na dagdag kasamahan ang grupong Maute sa Marawi kaya dumami pa ang puwersa ng mga terorista. Dahil dito, posibleng tumagal pa umano ang digmaan doon.

Nasa 10 miyembro ng Maute ang nakapasok umano sa Marawi at nakapag-reinforce sa kanilang mga kasamahan sa lugar ng giyera, ayon sa sources ng ABS-CBN.

Anila, sinamantala umano ng mga nakapasok na Maute sa Marawi ang malakas na ulan at ang dilim ng gabi para magamit ang Lake Lanao.

Hindi rin daw imposibleng nakapag-resupply ng mga bala at baril ang grupo, bukod pa sa dagdag na teroristang nakikipaglaban ngayon sa militar.

Hindi ito inamin ngunit hindi rin itinanggi ng Joint Task Force Marawi. Patuloy namang bineberipika ng militar ang impormasyon.

"It's possible to happen, kaya nga naglagay tayo ng forces diyan sa area na iyan. Mayroon tayong Joint Task Force Lawa na nagko-conduct ng maritime patrols 24/7. The lake has a 340 square kilometer area. Napakalawak po ng lake, at isa po iyan sa ating mga challenges kung paano mabantayan ng mga forces na nandiyan," ayon kay Capt. Jo-ann Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi.

Sinabi rin ng Philippine Coast Guard na ilang araw na ring pinapuputukan ng mga Maute sniper ang kanilang mga patrol boat na nagbabantay sa Lanao Lake.

Kung nakapasok man ang mga reinforcement ng Maute, may posibilidad pa umano na humaba ang digmaan.

"Of course, it will have na effect on our mission right now, pero prepared ang ground forces. We are looking at all possibilities na may nakapasok," ani Petingloy.

Kinausap na rin ng militar ang mga alkalde ng Lanao del Sur, lalo na sa mga nasa bahaging may dagat, upang sabihing may mga bangkang hindi malayong gamitin ng mga terorista.

Sa coastal town ng Balindong, pinarehistro na ng alkalde ang lahat ng may mga bangka para malagyan ng mga numero para madaling makilala.

Kinukumpirma din ngayon ng militar ang mga nakuhang retrato nina Omar Maute at Isnilon Hapilon, at isa pang retrato ni Omar na sugatan sa isang kahoy na bahay.

Inaalam pa ng militar kung bago ang mga retratong nakuha dahil anila, puro sementado ang mga bahay sa lugar ng digmaan, kaya duda pa silang bago ang mga retrato.

Ngayong ika-82 araw ng giyera sa Marawi, 552 na ang napatay sa mga Maute, at 128 sundalo naman ang nagbuwis ng kanilang buhay.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Marawi
Marawi clash
Ron Gagalac
TV Patrol
Maute
Lanao Lake
MarawiClash
reinforcement
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT