Lalaking nagka-kayak, nalunod sa Puerto Princesa
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagka-kayak, nalunod sa Puerto Princesa
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2019 04:02 PM PHT

PUERTO PRINCESA CITY -- Nalunod ang isang lalaki sa Nagtabon Beach sa Barangay Bacungan sa lungsod na ito, Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Edgardo Ramirez Jr., 30-anyos na residente ng Calapan City.

Base sa imbestigasyon ng Police Station 2, ilang beses raw ito nalalaglag sa sinasakyang kayak dahil sa lakas ng alon. Pero nang muli itong malalaglag ay hindi na lumutang ang biktima.

Isinugod pa ito sa Adventist Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Isinugod pa ito sa Adventist Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
ADVERTISEMENT
Agad rin naman naitawag sa mga kaanak ang insidente at sinailalim ito sa autopsy.

"Reportedly, medyo nakainom din, (according) doon sa group na nakainuman niya," ani Police Maj. Edgar Salazar, station commander ng Police Station 2.

Hindi umano bago ang insidente nang pagkalunod sa Nagtabon Beach dahil sa rip current sa dagat.

Naglagay ng mga babala at lifeguard sa lugar ang barangay at lokal na gobyerno.

Posibleng irekomenda rin ang pagbabawal uminom at pagbebenta ng alak sa lugar.

-- Ulat ni Arlie Cabrestante, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT