Ilegal na sabong timbog sa gitna ng MGCQ sa Negros Occ, 19 arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilegal na sabong timbog sa gitna ng MGCQ sa Negros Occ, 19 arestado

Ilegal na sabong timbog sa gitna ng MGCQ sa Negros Occ, 19 arestado

Mitch Lipa,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 11, 2020 07:24 AM PHT

Clipboard

Nasa 19 katao ang inaresto sa umano'y ilegal na pagsasabong sa Negros Occidental, sa gitna ng modified general community quarantine sa lalawigan.

Ipinagbabawal ang sabong sa ilalim ng MGCQ at pwedeng mahaharap sa kaso ang sino mang mahuhuli na lumalabag, ayon kay Police Maj. Gil John Despi ng Escalante City Police Station.

Nasa 11 ang na-aresto sa pagsasabong noong Linggo sa Barangay Lantad sa Escalante City, Negros Occidental.

Sa Kabankalan City, 6 ang hinuli habang sa Sagay City ay 2 ang natiklo.

ADVERTISEMENT

Nasa 41 naman na manok pansabong ang nabawi ng pulis.

Ayon sa pulis ang mga naaresto ay haharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449 o ang Cockfighting Law.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.