Bayanihan, nanaig sa gitna ng habagat at baha

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bayanihan, nanaig sa gitna ng habagat at baha

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 20, 2019 02:05 PM PHT

Clipboard

Samot-saring kuwento ng pagtutulungan ang nangibabaw sa gitna ng pananalasa ng habagat sa Kamaynilaan at mga karatig-lalawigan nitong Sabado hanggang Linggo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sama-samang rumesponde ang mga rescuer upang sagipin ang mga naiwan sa kani-kanilang bahay.

May ilan din na isinantabi muna ang negosyo at walang pag-iimbot na nagpahiram ng mga rescue boat.

"Kahit negosyo 'to, binebenta, pero siyempre kung actual na calamity, kung kailangan, gamitin na," ani Aaron Sy.

ADVERTISEMENT

Sa Ateneo de Manila University naman ay agad na nangalap ng mga donasyon at mabilis na dinala sa mga pamilyang sumilong sa mga evacuation center.

Ang ilang malalaking mall, libreng parking at pansamantalang masisilungan para sa mga stranded na customer ang inihandog.

Hindi rin nagpatinag sa matinding buhos ng ulan at taas ng baha ang pulisya, mga sundalo at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority.

— Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.