4 batang lalaki mula QC nawawala
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 batang lalaki mula QC nawawala
ABS-CBN News
Published Aug 14, 2019 05:22 PM PHT
|
Updated Aug 14, 2019 07:25 PM PHT

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang 4 batang lalaki mula Quezon City na nawawala mula noong nakaraang buwan.

Pawang mga estudyante sa iisang paaralan ang 4 bata.

Naunang mawala sina Reygie Fernando, Prince Nino Malicdem, at Christian Duran — na pawang 12 anyos — matapos magkakasamang umalis sa kanilang mga bahay sa Krus na Ligas at UP Campus noong Hulyo 8.

Huling nakitang magkakasama ang 3 bata sa kanto ng Maginhawa at Malingap Street.
Huling nakitang magkakasama ang 3 bata sa kanto ng Maginhawa at Malingap Street.
ADVERTISEMENT
Naniniwala ang mga kaanak ng mga biktima na magkakasama pa rin ang mga ito.

Sa mensahe kasing ipinadala ng isa sa mga bata, binanggit nitong kasama nila ang isang alyas "Tatay" na umano ay mayaman.

Bukod sa tatlong bata, nawawala rin ang 11 anyos na si Michael Bayani, na umalis din sa kaniyang tahanan sa Krus na Ligas noong Hulyo 20.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
missing persons
bata
nawawala
Quezon City
Quezon City Police District
TV Patrol
Doland Castro
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT