Babaeng humabol sa tuta sa bubong ng bahay nahulog sa ilog

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng humabol sa tuta sa bubong ng bahay nahulog sa ilog

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang 28 anyos na babae matapos mahulog sa ilog sa Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City nitong Miyerkoles.

Ayon sa purok leader ng barangay na si Nester Patron, dakong alas nuwebe y medya Miyerkoles ng gabi nang makakuha sila ng tawag na nahulog sa ilog ang isang babae mula sa bubong ng kanyang inuupahang bahay.

Ilang minuto bago ang pangyayari, nag-iinuman sa bahay si Eloisa Gentugao, kinakasama niyang babae at isa pang kaibigan.

“Nag-away daw yung maglive in, tapos sabi 'yung tuta inilagay doon sa bubong hinabol ng babae kinuha ata nadulas doon sa bubong," ayon sa purok leader.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kaibigan nilang nakasama sa inuman, ang karelasyon ni Eloisa ang naglagay ng tuta sa bubong ng inuupahang bahay sa hindi malamang dahilan.

"Umiiyak siya kasi 'yung aso niya nasa bubong. Pilit niyang kinukuha sa bubong 'yung aso niya. Pilit siyang umaakyat. Pinipigilan namin siya hanggang nakaakyat na siya sa bubong hanggang dito na lang paa niya. 'Yun doon na siya nahulog nasira 'yung yero. Hindi ko naman siya nahawakan."

Ayon sa ilang residente na tumulong sa rescue operation, mahirap ang paghahanap sa babae na inabot pa ng mahigit isang oras dahil sa lalim ng tubig sa ilog.

“Sinubukan po namin kung ano makakaya namin. Sinisid namin sa ilalim tapos pag ahon po doon nagtulong tulong po kami na mahatak 'yung katawan kasi hindi po kaya ng isang tao lang. May mga tama po sa kaliwang tuhod, sa paa, sa hinlalak. May sugat po tapos sa kanang kamay sa bandang pulso may sugat po," sabi ni Robert Azala, isa sa mga residenteng tumulong sa pagsagip.

Isinugod pa sa ospital ang babae pero ayon sa kaanak at purok leader idineklara na itong dead on arrival.

Labis ang lungkot ng ina na si Bebenia Retada sa sinapit ng anak.

ADVERTISEMENT

Aniya, nagtapos ng kursong Business Administration ang anak noong Hunyo at halos tatlong buwan pa lang nagsasama ang kanyang anak at kinakasamang babae.

“Sabi pa sa akin, 'Ma, mag abroad ako next year. Mabait po 'yon, maalalahanin lahat po ng kailangan ibinibigay nun kapag kailangan ko,'” ayon kay Bebenia.

Iniimbestigahan pa ng Caloocan City police ang insidente.

Inimbitahan din sa Caloocan City Police Station 12 ang kinakasama at kaibigan ng babae.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.