Naaresto noon sa 'illegal recruitment' muling nahuli | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Naaresto noon sa 'illegal recruitment' muling nahuli
ABS-CBN News
Published Aug 20, 2019 07:18 PM PHT

Huli sa entrapment noong Martes ang isang babae na dati na ring naaresto sa kaparehong kaso ng illegal recruitment.

Nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division si Carissa Arqueda at Catherine Felix dahil sa umano ay pag-aalok sa mga aplikante ng trabaho sa Canada kahit walang lisensiya.

Naaresto noong Pebrero si Arqueda ng Manila police matapos umanong takbuhan ang isang aplikante para maging manggagawa sa Canada.

Pero ayon kay Arqueda, travel agency ang kaniyang negosyo.
Pero ayon kay Arqueda, travel agency ang kaniyang negosyo.
ADVERTISEMENT
Pinasinungalingan si Arqueda ng biktimang si "Belen," na nagbigay ng P150,000 kay Arqueda bilang processing fee para sa trabahong caregiver sa Vancouver na ipinangako ng suspek.

Nakulong sina Arqueda at Felix sa kasong estafa at illegal recruitment.

Sa hiwalay na operasyon, inaresto ng NBI ang 9 Pilipino, isang Egyptian, at isang Sudanese dahil sa pagre-recruit ng mga aplikante papuntang Saudi Arabia kahit wala rin silang lisensiya mula sa Philippine Overseas Employment Administration. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
illegal recruitment
estafa
entrapment operation
National Bureau of Investigation
TV Patrol
Niko Baua
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT