2 huli sa pagtatapon ng kemikal sa sapa sa Batangas; higanteng bula lumitaw | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 huli sa pagtatapon ng kemikal sa sapa sa Batangas; higanteng bula lumitaw

2 huli sa pagtatapon ng kemikal sa sapa sa Batangas; higanteng bula lumitaw

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 20, 2020 07:32 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) - Arestado ang dalawang lalaki na nagtapon umano ng mga kemikal sa sapa sa Tuy, Batangas, na siyang dahilan ng paglitaw ng mga higanteng bula sa tubigan nitong Miyerkoles.

Lumitaw ang mga higanteng bula na masangsang ang amoy sa sapa sa Barangay Sabang at Bayudbud sa bayan ng Tuy. Nagdulot ng pagkamatay ng mga isda ang itinapong kemikal.

Sa pagresponde ng Tuy Police at Municipal Environment and Natural Resources Office, inabutan nila ang dalawang lalaki na naghuhugas ng mga drum sa sapa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Agad silang inaresto matapos matuklasan na sila ang nagtapon sa ilog ng mga kemikal mula sa drum.

ADVERTISEMENT

“Sa pamamagitan po nito eh, ito po ay nakita na hinuhugasan po nila at tinatapon po dun sa ilog, kaya po ito ay naging sanhi po ng pagkamatay ng ilog,” ani Tuy Police Station chief Major Von Eric Gualberto.

Hindi pa matukoy ang uri ng kemikal at kung sino ang may-ari ng mga ito.

Nasa 16 na drum na pinaglagyan ng itinapong kemikal ang nasamsam ng mga otoridad.

Dumating na rin sa Tuy ang mga tauhan ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources para mag imbestiga.

Aminado ang mga suspek na hinugasan nila ang mga drum na binili pala na basura mula sa isang pagawaan at ibebenta sana nila ang mga ito.

Nabatid din ng mga awtoridad na may taon na ring nakalipas nang ipasara ang naturang negosyo dahil sa reklamo ng mga tao.

Nakatakdang kasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa Republic Act (RA) 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990 at RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

-- May ulat ni Jorge Carino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.