63 undocumented OFWs sa Kuwait, balik-Pinas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

63 undocumented OFWs sa Kuwait, balik-Pinas

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Nakauwi na sa Pilipinas ang 63 undocumented overseas Filipino workers (OFW) na nakaranas ng pang-aabuso sa Kuwait.

Kasama rito si Cha (hindi tunay na pangalan) na isang linggo lang ang itinagal sa Kuwait dahil sa pagmamalabis ng kaniyang amo.

"Ayaw akong pakainin ng amo ko kasi dapat daw tapos muna 'yung trabaho ko," aniya. "Sabi ko, 'Gusto ko na umuwi kaysa mamatay ako sa Kuwait.'"

Masaklap din ang sinapit ni Linda (hindi tunay na pangalan) sa kaniyang amo kaya humingi na siya ng tulong.

ADVERTISEMENT

"Hindi puwedeng maingay 'pag maglinis ka. Kung anong mahawakan niya, ibabato niya. Bawal tumingin sa labas, bawal makipag-usap sa kapwa Pilipina," aniya.

Sa ilalim ng Embassy Assisted Repatriation Program (EARP) at sa pakikipagtulungan ng Kuwaiti government, nakauwi sila ng bansa.

Sagot naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ticket at pamasahe pauwi ng mga OFW sa kani-kanilang probinsiya.

Bilang tulong, may balik-manggagawa program ang Overseas Workers Welfare Association na ipoproseso sa kanilang regional offices.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.